Vincenzo Roque para sa Kongreso

Day 1,646, 23:38 Published in Philippines Philippines by Vincenzo Roque

Mabuhay, mga kababayan!

Sinulat ko itong artikulong ito para ipaalam sa inyo na ako ay tumatakbo para maging kongresista sa Palawan. Alam kong 'di ako kasingsikat at kasingsanay ng ibang kumakandidato pero ang aking kagustuhang tumulong ay kapantay (kundi mas higit) ng kanila. Pinapangako ko na kung ako'y manalo, gagawin ko ang lahat sa abot ng aking makakaya para sa ikagaganda ng ating bansa.

Ito ang aking mga kasanayan:
- eFilipino mula Disyembre 11, 2009 (aktibo Dis 2009-Mayo 2010, Dis 2011-kasalukuyan)
- kasapi ng KMP mula pa noon
- patnugot ng Bamboo mula Dis. 26, 2009
- kasapi sa kongreso ng Abril 2010, Pebrero 2012 at Marso 2012
- kinatawan ng Ugnayang Panlabas para sa ONE

Sana'y iboto niyo ako

English Translation