[BOOM] Huwebes o Araw ng Mga Puso (FIL)

Day 1,913, 07:47 Published in Philippines Philippines by Boy Pick Up

Magandang Araw!

Ngayon ay araw ng Huwebes, pero para sa iba ito ay Araw ng mga puso. Marami siguro sa'tin ang masaya dahil sa kung ano man ang nangyari sa kanila sa araw na ito.



Sa iba, ito ang araw ng pagbubuklod ng kanilang pamilya.





Bakit hindi mo kaya sabihin sa amin ang iyong kuwento ngayong araw ng mga puso. I-comment lamang ang iyong kuwento sa baba. Hindi importante kung masaya o malungkot ito.



Kapag nagustuhan ko ang inyong istorya, bibigyan ko kayo ng 100cc.

I-kukuwento ko sa inyo yung sakin, sana kayo rin magkwento.



ANG AKING KWENTO

Pakinggan habang binabasa

Kaninang umaga, tuwang tuwa tapos excited pa kung ano ang gagawin ko para sa crush ko. Kahit may gagawin kaming rehearsal sa paaralan, ito lang naiisip ko.

Pagdating ko sa eskwelahan, naisip kong magbigay ng rosas. Binati ko muna ang mga kaibigan ko. Tapos, kami ay nag-rehearse sa gym hanggang alas'dose ng tanghali. Matapos akong kumain, naisip ko na kaya ko ng gawin ito, kahit pa man may nobyo na siya.

Bumili ako ng dalawang rosas, Isa para sa kaibigan kong babae at isa para sa crush ko. Matapos kong ibigay ang bulaklak sa kaibigan kong babae, may naghila sa crush ko papasok ng aming silid. Ako'y hindi handa pa noon. Kinolekta ko ang aking sarili at huminga ng malalim at sinabi, 'Happy Valentine's Day'. Kinuha niya ang bulaklak ngunit umalis na parang wala mang pasasalamat.

Ako'y mangiyak-ngiyak matapos nun dahil gusto ko lamang mangyari ay sabihan niya ako ng 'Thank You' o 'Happy Valentine's Day din' masaya na ako dun. At least, alam ko na naappreciate niya yung ginawa ko. Eh, parang wala lang para sa kanya. Nagmukha lang akong T*ng*ng Gunggong. Nasayang pera, pagsasakripisyo't oras ko. Malalaman ko pa na naghalikan sila nung hapon. Isa lang naisip ko nun, T*ng*n*!

Ito ang kwento ko. Ikaw, ano naman ang kwento mo?



Vote and Subscribe!

Boy Pick Up
Punong Datu ng Visayas
Kasapi ng Kadatoan ng Mga Isla ng Pilipinas
Ministro ng Kultura




MGA BABASAHIN