[FIL] Daily Dose: Paligsahan para sa mga Pinakamaimpluwensiyang Mamamayan

Day 2,118, 08:35 Published in Philippines Philippines by Vincenzo Roque


Update: We are looking at partners who speak other languages to translate this article and repost in their home country. Please contact Salvator3 if you can assist.

Ito ay isang espesyal na edisyon ng Daily Dose kung saan hahanapin natin ang mga pinakamainpluwensiyang mamamayan sa eRepublik! Ito ay isinalin sa Filipino at muling nilathala dito para mabasa rin ng pamayanang ePilipinas. Makikita ang orihinal dito.

Ang eRepublik ay isang laro na nakatayo sa stratehiya at ang bawat isa ay may sariling kahulugan ng pagtamo ng tagumpay. Datapwa't, may ilang mga manlalaro na may mga layunin, hangarin at gawain na nakaaapekto, di lamang sa kanila, kundi pati sa mga bansa, alyansa o mga rehiyon ng mundo.

Ang mga taong ito ay nagpapatakbo ng mga alyansa, bansa, partido, yunit militar o kaya'y mga aktibong mamamayan na tumutulong sa paghulma ng kanilang pamayanan, gaano man kaliit o kalaki.

Para maitanghal sila, at makilala ang kanilang mga nakamit, magdadaos ang Daily Dose ng paligsahan para sa mga pinakamaimpluwensiyang mamamayan sa eRepublik na dudulotan ng nararapat na pagkakakilanlan at gantimpalang salapi para sa kanilang mga nagawa.

Para 'di mahuli sa mga pangyayari sa paligsahang ito, kaibiganin si salvator3 at/o sumubaybay sa Daily Dose.

Paano mangyayari ang paligsahan?
Ang paligsahan ay mahahati sa tatlong yugto:
1) Nominasyon
2) Botohan
3) Paggagantimpala

1) Nominasyon
Ang bawat isa ay maaaring maging kandidato sa kahit alin sa mga sumusunod na kategorya:
- Pinakamaimpluwensiya sa Digmaan
- Pinakamaimpluwensiya sa Pulitika
- Pinakamaimpluwensiya sa Midya
- Pinakamaimpluwensiya sa mga Baguhan
- Pinakamaimpluwensiya sa Ekonomiya

Para maging kandidato, dapat magkaroon ang isang manlalaro ng 'di bababa sa dalawang magmumungkahi.

Hindi pwedeng imungkahi ng isang manlalaro ang sarili niya at isa lang ang pwedeng imungkahi ng bawat isa sa bawat kategorya.

Ang panahon para sa nominasyon ay tatagal ng 5 araw, sapat na para makapagmungkahi ang bawat isa.

2) Botohan
Kapag natapos na ang panahon ng nominasyon, ang sumunod na tatlong araw ay gagamitin sa pagkukuwenta ng mga mungkahi. Ang mga ito'y hiwa-hiwalay na ikukuwenta ng tatlong tao para masiguro ang ganap na kawastuhan at katunayan.

Kapag natapos na ito, maglalathala ng bagong artikulo na nakatala ang mga kandidato na maaaring iboto.

Ang botohan ay gagawin sa pamamagitan ng pagkomento sa orihinal na artikulo ng pangalan ng napusuan na kandidato. Ito ay para maging lantaran ang lahat ng boto, maaaring makita ng bawat isa. Sinisiguro din nito na isang boto lang mayroon ang bawat tao (kung sakaling makadalawa o higit pa na boto sa komento ang isang tao, ang unang boto lamang ang bibilangin).

Tatagal ng limang araw ang botohan.

Maaaring botohin ng isang mamamayan ang kanyang sarili, kung sakaling isa siya sa mga kandidato.

3) Paggagantimpala
Kapag natapos na ang panahon para sa botohan, ang sumunod na tatlong araw ay gagamitin para kwentahin ang mga boto. Tulad ng kanina, ang mga botong ito ay hiwa-hiwalay na bibilangin ng tatlong tao para masiguro ang ganap na kawastuhan at katunayan. At dahil nakalantad ang lahat ng boto sa mga komento, maaaring mapatotohanan ng bawat isa ang bilangan.

Sa bawat kategorya, ilalathala ang pinakapanalo pati ang 10 sumunod na pinakamataas.

Gantimpala
Para mapalaki ang mga gantimpala, makatutulong kung makapagtatabi kayo ng kahit anong halaga na maidadagdag niyo sa panggantimpala. Ang mga ambag na kahit singliit ng 50cc ay malugod na tatanggapin. Kung gusto niyong maghandog, ipadala lamang dito at sagutan ang form na ito. Ang mga magbibigay ay pupurihin sa publiko.

Ano na ang susunod?
Ngayong linggo ay maglalabas ng artikulo na tumatanggap ng mga mungkahing kandidato. Huwag kalimutang subaybayan ang dyaryong ito para malaman kung kailan!

Kung maaari'y isigaw ninyo ito 🙂
Competition for eRepublik's most influential citizen http://www.erepublik.com/en/article/2315630/1/20
Paligsahan para sa mga pinakamaimpluwensiyang mamamayan ng eRepublik http://www.erepublik.com/en/article/2315727/1/20


Ang inyong lingkod,

VINCENZO ROQUE
DailyDose Reporter
Proudly Pinoy