[egov4you] know-how: armies and leaders

Day 1,755, 00:57 Published in Philippines Philippines by Vincenzo Roque

This is the Filipino translation, for the original one in English, click here.


'know-how: armies and leaders'
http://egov4you.info/

Gumawa ng Hukbo

Maraming yunit sa eMundo. Marami sa mga ito ay nagtutulungan na parang isang malaking hukbo, ang iba nama'y may mas maliliit na yunit sa ibang bansa.

Para sa mga yunit na ito, may bagong opsyon sa egov4you: 'Create army'.

Paano ito gumagana?



Maaaring isali ng Kumandante o Pangalawang Kumandante ang kanyang yunit sa isang hukbo.
Piliin lamang ang pangunahing yunit ng hukbo at ipadala ang pakiusap.



Ngayon, kailangang hintayin na payagan ng Kumandante o Pangalawang Kumandante ng pangunahing yunit
Maaaring ikansela ang pakiusap kahit kailan.



Maaaring payagan o hindi ng Kumandante o Pangalawang Kumandante ng pangunahing yunit ang mga pakiusap at maaari rin siyang magtanggal ng mga natanggap na na yunit.



Pag pinayagan ang iyong pakiusap, bahagi na ng hukbo ang iyong yunit. Maaari mong ikansela ang pagkabahagi ng yunit kahit kailan.

Para saan?

Ang pagiging kasapi ng hukbo ay may mga karagdagang pribilehiyo.

Binibilang sa mga pambansa(MINI) at pribadong(STRIKES) operasyon ang lahat ng datos sa buong hukbpo hindi lang sa isang yunit.

Ano pa? Halimbawa, maaaring sumali ang PERUN SK sa mga MINI ng Slovakia at pati na rin sa mga MINI ng Poland bilang miyembro ng hukbong PERUN.

Kapag nagsimula ang PERUN (pangunahing yunit) ng STRIKE, maaaring sumali ang lahat ng mga kasaping yunit.
Maaari ring magsimula ang mga kasaping yunit ng STRIKE ngunit para lamang sa kanila iyon at hindi sa buong hukbo.

Karagdagang statistika

Tulad ng nasabi kanina, binibilang ng MINI/STRIKES ang datos ng buong hukbo.
Sa pahinang overview unit may maliit na talahanayan na nakalista ang mga yunit na kasapi sa hukbo.

Ano pa? may bagong subpage para sa bawat yunit
hal. http://egov4you.info/unit/army/21




Karagdagang pinuno

Kung hindi ka pinuno sa laro pero may ginagawa ka ring trabaho sa IRC, kung kailangan mo ng karagdagang karapatan para sa yunit, maaari ka nang makakuha.



Maaaring magbigay ang Kumandante at Pangalawang Kumandante ng espesyal na access na 'leader' sa kahit sino.
Sa ngayon pareho ang maaaring gawin ng 'leader' at 'captain'.

Kahit ilang 'leader' ang maaaring mayroon ka.

Sumasainyo,

VINCENZO ROQUE
Kinatawan sa Midya ng egov4you sa Pilipinas
Proudly Pinoy