[Sugo] Ika-2 Ulat ukol sa Timog-Silangang Asya at Oceania

Day 1,741, 09:40 Published in Philippines Philippines by Vincenzo Roque

NOTE: This is the translated version of this article as my contribution to the celebration of the Month of Philippine Languages especially since today is the birthday of Manuel L. Quezon, Father of the Philippine National Language.
ISAISIP: Ito ang pagsasalin ng lathalaing ito bilang aking ambag sa paggunita ng Buwan ng Wika lalo na't ngayon ang kaarawan ni Manuel L. Quezon, Ama ng Wikang Pambansa ng Pilipinas.


Pagbati!

Ito ang ikalawa kong ulat ukol sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya at Oceania. Para mabasa ang unang bahagi, pindutin ito.



PANGKALAHATAN



Nawala na sa Australia ang lupang sakop nito sa Indonesia at ngayo'y may pitong rehiyon na lang, New South Wales, Victoria, Tasmania, South Australia, Western Australia, Northern Territory and Queensland.

Nabawi ng Indonesia ang dalawa nitong rehiyon, Lesser Sunda Islands mula sa Australia at Java mula sa USA. Sinusubok pa nilang bawiin ang 5 pa nilang orihinal na rehiyon, Kalimantan, Maluku Islands, Papua, Sulawesi at Sumatra, mula sa USA.

Ang tatlong orihinal na rehiyon ng Malaysia, Peninsular Malaysia, Sarawak at Sabah, ay nasakop lahat, sa pamamagitan ng Airstrike, ng pinakabagong bansa sa rehiyon, Croatia, na mukhang ginagamit lang ito para matakasan ang mortal na kaaway sa Europa, Slovenia.

Payapa pa rin sa New Zealand, nasa kanila pa rin ang apat nilang orihinal na rehiyon, Auckland, Canterbury, Otago, at Wellington.

Gayundin, payapa pa rin sa Singapore na nasa kanila pa rin ang nag-iisa nilang orihinal na rehiyon, Singapore City.

Thailand lamang ang bansa sa rehiyon na ito na may mga rehiyon na mas madami sa orihinal dahil sa giyera nito laban sa India. India ang unang umatake, habang sinusubok na sakupin ang Southern Thailand na nailigtas ng Thailand. Ito ay nasundan ng panalo ng Thailand sa Tamil Nadu, Karnataka, Andhra Pradesh, Chhattisgarh, Orissa, at sinusubok ngayon sa Maharashtra bagama't Chhattisgarh at Orissa na lang ang nasa kanila sapagkat nabawi ang iba ng India.

UKOL SA GIYERA NG MGA LIGA

Para sa Giyera ng mga Liga, hati ang Rehiyon ng Timog-Silangang Asya at Oceania dahil:
kasali ang Australia at Singapore sa Erepublik Defence & Economy Network (EDEN);
sumali ang Indonesia at New Zealand sa Friendship Over Everything (FOE);
kasama ang Philippines sa Fraternal Union of Countries and Kingdoms – Unofficial (FUCK-U); at
sumama ang Thailand sa 4FUN.

Magiging sentro ba ng labanan ang rehiyong ito o tutulungan lang nating lahat ang iba pa nating mga kaliga? Malapit na nating malaman!



'Yan muna sa ngayon!

Sumasainyo,


Vincenzo Roque
Sugo sa Timog-Silangang Asya at Oceania