[FIL] Daily Dose: Maaari nang magmungkahi ng kandidato para sa paligsahan

Day 2,122, 08:48 Published in Philippines Philippines by Vincenzo Roque


Tulad ng nasabi na nga namin sa nakaraang artikulo, nagdaraos ang Daily Dose ng paligsahan para makilala ang mga pinakamaimpluwensiyang mamamayan sa eRepublik. Maaaring mabasa ang pangkalahatang-ideya ng paligsahan dito.

Malugod naming inihahayag na bukas na ang pagmumungkahi ng kandidato! Paalala lamang na basahin muna ang alituntunin bago magmungkahi!

Sino dapat ang imungkahing kandidato?
Imungkahi ang kahit sinong sa tingin mo'y nakagawa ng malaking ambag sa kahit alin sa mga kategorya.

Maski sa loob ng bansa nila ang ambag, sa buong mundo man o kahit pa sa loob lamang ng yunit militar o partido nila ay di na mahalaga. Ang mahalaga lamang ay kung sa tingin mo'y may epekto sa'yo o sa ibang manlalaro.

Ano ang mga pwedeng kategorya?
- Pinakamaimpluwensiya sa Digmaan
- Pinakamaimpluwensiya sa Pulitika
- Pinakamaimpluwensiya sa Midya
- Pinakamaimpluwensiya sa mga Baguhan
- Pinakamaimpluwensiya sa Ekonomiya

Ano ang mga alituntunin?
- Ang pagmumungkahi ay dapat gawin sa orihinal na artikulo, dito.
- Hindi maaaring imungkahi ang sarili, hintayin na imungkahi ng ibang tao.
- Maaaring magmungkahi ng hanggang tatlong tao sa bawat kategorya.
- Para maging kandidato, kailangang mamungkahi ng 2 tao.
- Kung gugustuhin mo, maaaring magdonasyon ng 200cc o mas mataas pa sa papremyo para makatanggap ng pagmumungkahi. Ipadala lamang dito. Makipag-ugnay din kay Salvator3 pag napadala na ang donasyon.
- Para magmungkahi ng isang tao, ipaliwanag sa paraan ng komento sa orihinal na artikulo dito sa kung saang kategorya mo siya minumungkahi at ang kanyang pangalan sa eRepublik.
- Hindi bibilangin ang mga komentong sagot lamang sa ibang komento

Ano ang gantimpala?
Ipapaalam ang mga gantimpala sa susunod na artikulo. (pagbukas ng botohan)

Hanggang kailan maaaring magmungkahi?
Sa ngayon, maaaring magmungkahi hanggang Araw 2,129.

Pero maaaring palawigin kung marami pang nagmumungkahi.

Kung maaari'y isigaw ninyo ito 🙂
Nominations now open for eRepublik's most influential citizens competition!
http://www.erepublik.com/en/article/2317312/1/20
Paligsahan para sa mga Pinakamaimpluwensiyang Mamamayan sa eRepublik
http://www.erepublik.com/en/article/2317381/1/20


Ang inyong lingkod,

VINCENZO ROQUE
DailyDose Reporter
Proudly Pinoy