Tunay na Pilipino

Day 2,473, 06:04 Published in Philippines Philippines by Heneral Luna

Pinili kong isulat ang artikulong ito gamit ang sarili kong wika, ang wika ng bansang ito. Naisipan ko ito hindi lamang dahil Buwan ng Wika ngayon, naisipan ko ito dahil ito ang nararapat at tama.



Nakakalungkot makita na ang ating bansa ay kasalukuyang nasasakop ng mga banyaga at karamihan ng mga nanatili rin dito ay mga banyaga. Nasaaan na ang mga tunay na Pilipino sa panahong kinakailangan tayo ng bansa natin? Tila naging OFWs ang lahat ng mga Pilipino at tuluyan nang inabanduna ang kanyang pinagmulan.

Hindi naman ako galit sa mga banyagang naririto sa bansa natin hanggang malinis ang intensyon nila at busilak ang pagtulong nila sa atin. Maraming salamat sa inyo, nawa'y wag kayong magsawa tumulong sa amin at kayo'y tinuturing na rin naming mga Pilipino ngunit sa mga banyagang mapagsamantala, umalis na kayo sa bansa namin!

Sa mga Pilipinong buo, wag lamang tayo manahimik at magpayaman sa lupain ng mga banyaga. Tulungan natin ang ating bansa, patunayan natin na ang mga Pilipino ay may PUSONG PALABAN!



MABUHAY ANG PILIPINAS!