Solidarity from the Philippines on International Workers' Day 2020

Day 4,546, 19:00 Published in Philippines Philippines by Boy Pick Up

(A picture I took during International Workers' Day 2019 in Manila while we sang "The Internationale" to finish the program.)

A liberating day to all, and highest salutes to the members of the working class as we celebrate International Workers' Day. We stand in solidarity with our comrades all around the world who continue the struggle to bring down capitalism and the exploitative ruling class. Allow me to use this article to report certain issues that we currently face in our country and relate it to the labour movement.

The working class in the COVID-19 pandemic

The COVID-19 pandemic outright shows the importance of the working class who creates the wealth of each country. We can clearly see the integral role of the common workers whose occupations were oftentimes discriminated by most before the start of this current crisis. On the other hand, we can also see the dispensability of the members of the ruling class, such as bureaucrat capitalists and landlords, who continue to live in extravagance from the wealth that they stole from the hardship of labourers.

Despite the masses' continuous realization on the importance of the working class, the government's neglect continues. The citizens have continuously called for aid especially for those without any means to earn because of the quarantine. There has been an approved cash amelioration program worth five thousand pesos (or a hundred American dollars), but nothing has been given until now, and five thousand pesos is considerably not enough to last the entirety of this continuously extending quarantine. There has been food aid from the local government, but they are usually just measly or not every resident gets one.

Resist the growing threat of fascism

It is worrying to see the ongoing abuses of fascist regimes not only in the Philippines, but also in other countries. In our country, the Duterte regime continues to unjustly arrest and kill its citizens, especially activists and dissidents of his anti-people policies. On the eve of International Workers' Day, activist Jory Porquia was killed in Iloilo after he was hit by nine bullets from armed members of the military. Furthermore, ninety-two people were arrested by the Duterte regime using trumped up charges during the entire twenty-four hours of the 1st of May 2020 here in the Philippines.

We must continue to stand against the growing threat of fascism in different parts of the world. As what Marx said, "History repeats itself, first as tragedy, second as farce." We must not let the atrocious part of history where fascists ruled the world repeat in our society. We must learn from the mistakes of our forefathers and no longer allow for the abusive to return to power.

Neither God, nor Caesar, nor tribune

My favourite line from "The Internationale" is the beginning of the second verse, "There are no supreme saviours; neither God, nor Caesar, nor tribune." It is a reminder that change will not come if we do not act. We, as members of the masses, are the makers of history. It is important, especially during these times, that we arouse our fellowmen and organize against the abusive system we wish to dismantle.

It is disheartening to think that we cannot do anything, and that our struggle is futile. It is common to think of what an individual can do against a system with roots deeply entrenched in the society we live in. To those who feel this way, I offer to you the words of Filipino poet and revolutionary Emmanuel Lacaba: "Awakened, the masses are messiah." We cannot do anything as individuals. However, there is no force stronger than the force of the united masses. Our collective resistance can flatten mountain ranges and make stars bow down.

The working class is the army of liberation!

You have nothing to lose but your chains!



(Isang litratong kinuha ko noong Pandaigdigang Araw ng mga Manggagawa 2019 sa Maynila habang kami ay kumakanta ng "Internasyunal" bilang panapos sa programa.)

Isang mapagpalayang araw sa inyong lahat, at pinakamataas na pagpupugay para sa mga kasapi ng uring manggagawa kasabay ng ating pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Manggagawa! Nakikiisa kami sa ating mga kasama saan mang dako ng mundo na patuloy ang pakikibaka upang mapabagsak ang kapitalismo at ang mga mapagsamantalang naghaharing uri. Hayaan ninyo akong gamitin ang lathalaing ito upang mag-ulat ng ilang mga suliraning kasalukuyang kinakaharap namin sa aming bansa at ang kaugnayan niyo sa kilusang paggawa.

Uring manggagawa sa pandemyang COVID-19

Lubusang naipapamalas ng pandemyang COVID-19 ang kahalagan ng uring manggagawa na siyang lumilikha ng yaman ng bawat bansa. Malinaw na makikita natin ang malaking gampanin ng pangkaraniwang mga manggagawa na madalas ay minamaliit lamang ng karamihan bago magsimula ang kasalukuyang krisis. Samantala, kitang-kita rin natin ang kawalang halaga ng mga miyembro ng naghaharing uri tulad ng mga burukrata kapitalista at mga panginoong maylupang nagpapakasasa lamang sa kanilang mga yaman na ninakaw nila mula sa paghihirap ng mga manggagawa.

Bagamat patuloy na namumulat ang taumbayan sa kahalagahan ng uring manggagawa, patuloy pa rin ang pagsasawalang bahala sa kanila ng pamahalaan. Patuloy na nananawagan ang mga mamamayan para sa ayuda, lalo na para sa mga walang mapagkakakitaan dahil sa quarantine. Mayroong ipinatupad na cash amelioration program na nagkakahalagang limang libong piso (o isang daang dolyar), ngunit wala pa ring ibinibigay hanggang sa ngayon, at lubhang hindi sapat ang limang libong piso para sa kabuuan ng patuloy na pinapahabang quarantine. Mayroon din namang ayudang pagkain mula sa lokal na pamahalaan, ngunit karaniwang ito ay kakarampot lamang o hindi nakakaabot sa ibang mga residente.

Biguin ang lumalakas na banta ng pasismo

Nakakabahalang makita ang patuloy na pang-aabuso ng mga pasistang rehimen hindi lamang sa Pilipinas, ngunit pati na rin sa iba pang mga bansa. Sa aming bansa, patuloy ang walang katarungang pag-aresto at pagpatay ng rehimeng Duterte sa kanyang mga mamamayan, lalo na sa mga aktibista at mga tumutunggali sa kanyang mga hindi makataong polisiya. Sa bisperas ng Pandaigdigang Araw ng mga Manggagawa, pinatay ang aktibistang si Jory Porquia sa Iloilo matapos siyang paulanan ng siyam na bala ng mga armadong miyembro ng militar. Bukod pa rito, sa loob ng dalawampu’t apat na oras ng ika-1 ng Mayo 2020 dito sa Pilipinas, siyamnapu’t dalawa ang inaresto ng rehimeng Duterte gamit ang mga kasong wala namang katotohanan.

Patuloy dapat ang ating pagtindig laban sa lumalakas na banta ng pasismo sa iba't ibang bahagi ng mundo. Tulad nga ng sinabi ni Marx, "History repeats itself, first as tragedy, second as farce." Hindi dapat nating hayaang maulit sa ating lipunan ang karumal-dumal na yugto ng kasaysayang naghari-harian ang mga pasista sa iba't ibang mga bansa. Nawa ay natuto na tayo mula sa pagkakamali ng mga nakalipas na henerasyon, at huwag na nating hayaan pang makabalik sa puwesto ang mga mapagsamantala.

Walang maasasahang Bathala o manunubos

Ang aking paboritong linya mula sa "Internasyunal" ay ang panimula ng ikalawang saknong, "Wala tayong maaasahang Bathala o manunubos." Isa itong paalala sa ating lahat na walang pagbabagong darating kung hindi tayo kikilos. Tayo lamang, bilang bahagi ng batayang masa, ang tagapaglikha ng kasaysayan. Mahalaga lalo na sa panahong ito ang pagmulat sa kapwa at pag-organisa laban sa mapang-abusong sistemang nais nating gibain.

Nakakapanghinang isiping wala na tayong magagawa, at ang pakikibaka natin ay wala nang saysay. Karaniwang maisip na ano ba ang magagawa ko laban sa isang sistemang nakabaong malalim ang mga ugat sa lipunang ginagalawan natin. Sa mga nakararamdam nito, nais kong ialay sa inyo ang mga salita ng Pilipinong manunulat at rebolusyonaryong si Emmanuel Lacaba: "Mulat, ang masa ay mesias." Wala talaga tayong magagawa kung tayo ay mag-isa. Gayunpaman, walang puwersa ang mas lalakas sa puwersa ng nagkakaisang masa. Ang ating kolektibong pagkilos ay kayang pumatag ng mga kabundukan at magpaluhod ng mga tala.

Uring manggagawa, hukbong mapagpalaya!

Walang mawawala bukod sa ating mga tanikala!